Narito po ang schedule ng mga nabakunahan ng RHU 1 at RHU 3 Pfizer 1st dose.
Ang RHU 2 ay sa susunod na lingo pa mag aanunsyo ng kanilang schedule at kasalukuyang inaayos ang kanilang bakuna area upang umangkop sa requirement ng Pfizer.
Ang mga nagpreregister na A4 naman po ay maghihintay na lamang kung kailan ang anunsyo na kayo ay mababakunahan. Ang lahat ng nakapagparehistro ay automatic na malalagay sa listahan ayon sa pagkakasunod sunod upang tayo ay maging patas. Bawal ang singitan at palakasan. Maglalabas po ng listahan ng mababakunahan base sa masterlist kapag nagbaba na ang DOH ng bakuna para sa A4. Tandaan na ito ay preregistration upang maipakita natin sa mamamayan na may maayos tayong sistema at walang singitan o palakasan. Lahat po ng nais mabakunahan ay siguradong mababakunahan basta maghintay lamang dahil hindi natin hawak ang bakuna at ang utos ay magmumula sa Nasyunal (DOH)

pfizer 2nd dose schedule photo

.