Puspusan na isinasagawa ng ating Guimba MPS NEPPO at barangay secretaries ang pagdodokumento ng drug clearing matapos na maisagawa at mag negatibo sa drug test ang mga drug personalities ng bawat barangay.

Mahabang proseso ang pinagdaanan ng bawat barangay bago pa masimulan ang pagdodokumento. Kinakailangang sumailalim ang isang drug personality sa “Bahay Pagbabago” o reformation center, mayroong sessions ng spiritual at value formation, may community service, pakikisalamuha sa ibang tao at sharing ng kanilang experiences bilang parte ng moral recovery program at marami pang ibang aktibidades na buong pusong sinubaybayan ng ating kapulisan at munisipyo sa pamumuno ng ating Mayor Jose Boyong Boyong Dizon bilang MPOC Chairman at LTCOL Kevin Bulayungan katuwang ang information officer Sherwin Jonathan Guiuo bilang Peace and Order Focal Person.

Hangad ng programang ito na mabigyan ng pagkakataong magbago at maibalik sa lipunan ang mga minsan ay nalihis ng landas at mapanatiling payapa ang ating pamayanan hanggang sa makamit natin ang DRUG FREE GUIMBA.

#MayorDizonCares
#KaibigangPulis
#GuimbaKongMahal