Ayon sa DILG Memorandum Circular 2020-036 ay ipinagbabawal ang mga tricycle at pedicab sa “Highway” subalit kung walang ibang madaraanan ay maaari namang dumaan “kung” mananatili sa kanang bahagi o shoulder lamang.

Ito ay magiging bahagi na ng mga alituntunin sa ating bayan bilang pagtalima sa utos ng Pamahalaang Nasyunal. Nakapaloob din ito sa batas.

Pinaaalalahanan ang lahat na ugaliin napo nating magmaneho sa kanang bahagi lamang upang disgrasya ay maiwasan. Kapag tayo ay nasanay makakaiwas din sa multa. Nakaiwas na sa disgrasya hindi pa nabawasan ang inyong pera. Kung hindi po tayo susunod baka isang araw disgrasya na ang sasalubong sayo lalo pat naglalakihang sasakyan ang sa ating bayan ay dumadaan. Huwag naman sana dahil ayaw po namin na may mapahamak kung kayat kayo ay pinagsasabihan.

Bayang mapagmalasakit sa mamamayan
#GuimbaKongMahal