Kapag may naipabalitang low pressure o paparating na bagyo, ang MDRRMC ay agad na nagpupulong at 24 oras na magbabantay na ang MDRRMO.

Nakamonitor na agad ang pamahalaang lokal sa pamumuno ng MDRRMC Chairman at Municipal Mayor Jose Boyong Boyong Dizon. Inaalam ang mga bagong balita, iniinspeksyon ang ating mga ilog at kinikoordina ang mga flood high risk na barangay bilang paghahanda sa anumang pagbaha at ipineprepara ang mga kagamitan at kakailanganing pagkain para sa maapektuhang mga komunidad.

Ito ang inyong pamahalaan, nagsisikap na maihanda ang lahat upang makasigurong ang mamamayan ng Guimba ay ligtas. Nito lamang biglang pagbuhos ng ulan ay agad na ipinagutos ng ating Ama ng Bayan ang pagmonitor sa level ng tubig. Alerto sa anumang pagkakataon at panahon.

Serbisyo para sa bayan at mamamayan
#GuimbaKongMahal