Pormal ng nanumpa ang ama ng barangay Bulakid sa bayan ng Guimba.


Si Kapitan Sales Quijano Gameng ay nanumpa na sa harapan ng ating Mayor Jose Boyong Boyong Dizon ngayong araw at opisyal ng manunungkulan bilang kapitan alinsunod sa RA 7160 o Local Government Code of 1991.


Ang Punong Barangay ay may mandatong nakapaloob sa Section 389 ng RA 7160 at pinanunumpaan nila itong susundin kasama na ang pagrespeto, pagsunod at pagpapatupad ng mga batas, alituntunin at mga patakaran.

Congratulations po Punong Barangay Sales Quijano Gameng. Kapartner ng LGU sa pagsusulong ng maunlad na Guimba Kong Mahal.