Kung wala po kayong mahalagang sadya sa poblacion ay makabubuti pa din ang pananatili sa inyong mga pamayanan at kung talagang kinakailangan ay huwag kalimutang magsuot ng face mask. Marami napong ibang tao ang dumadaan sa ating bayan at hindi po tayo nakakasiguro. Mabuti na ang nag iingat kaysa mahawa at makapanghawa pa.

Bukod sa sakit na Corona Virus ay mayroon papong isang sakit na dala ng lamok at kalimitang inaatake nito ay mga bata at kabataan. Nito lamang October 30 ay nakapagtala na ng kabuuang 224 kaso ng dengue sa ating bayan. Pinapayuhan po ang lahat na magsinop ng inyong bakuran. Itaob ang mga pinangingitlugan ng lamok at linisin ang inyongkapaligiran upang ang dengue ay walang mapamugaran.

Kooperasyon ng mamamayan ang kailangan ng pamahalaan upang masugpo ang dalawang sakit na Ito.

#DisiplinaMuna
#SamaSamangLabananAngSakit
#GuimbaKongMahal