Pinangunahan ng ating Mayor ang pamimigay ng Sari Sari Starter Kits (groceries) sa apatnapung (40) magulang ng mga bata na sa murang edad ay sumasabak na sa paghahanap buhay o child labor.

Ang programang ito ay sa suporta at pakikipagtulungan ng Department of Labor and Employment (DOLE Nueva Ecija) at sa sigasig ng ating PESO Manager upang maisakatuparan ang mithiin ng ating Mayor Jose “Boyong Boyong” Dizon na matulungan ang ating mga kababayan na makaahon sa kahirapan.

Ito ay pagpapalakas din ng ating Child Friendly Municipality status kung saan tinutugunan ng pamahalaang lokal ang mga pangangailangan ng mga bata at pagbibigay ng proteksyon sa kanila katulad ng paghahanap ng paraan upang mabigyan sila ng maliit na kabuhayan para makapag aral ang mga batang ito.

Hangad ng ating pamahalaang lokal na makatulong sa mamamayan.

#parasaGUIMBAKONGMAHAL