Bilang tugon sa mga nakalap o submitted at verified na datos ng mga undernourished na edad anim hanggang dalawamput tatlong buwang gulang (6-23 months) na mga bata at mga buntis na kulang sa nutrisyon ay agad na nagsumite ang ating Municipal Nutrition Action Officer (MNAO) sa pamamagitan ng MHO ng rekomendasyon at ulat sa ating Mayor Jose Boyong Boyong Dizon na agad namang tinugunan upang maalalayan ang ating mga kababayang nangangailangan ng pagkalinga.

Nais ng ating Ama ng Bayan na agarang masolusyunan ang mga ganitong suliranin at mapanatiling malusog ang ating mga kababayan lalo nat may pandemya tayong kinakaharap at ang mga kulang sa nutrisyon ay bulnerable o mataas ang tsansa na madaling maigupo ng sakit.

Nagpamigay ang ating nutrition team sa barangay Bantug, Sta Veronica at Maturanoc at ang lahat ng barangay ay isusunod naman na mabigyan sa pangunguna ng mga barangay nutrition scholars (BNS).

Programang hinango sa pangangailangan ng mamamayan at tumutugon sa kanilang karaingan.

Para sa bayan
#GuimbaKongMahal