Nag validate nitong nakaraang Huwebes, November 10, 2022 ang representative ng Agriculture Training Institute- Region III na si Ms. Krizelle D. Galang kasama ang Municipal Agriculture Office, Office of the Provincial Agriculturist at Local Youth Development Office para sa isang proyekto kung saan ang mga Kabataan ang magiging benepisyaryo ng Community Garden. Ipinakita ng ating Kabataan Representative, na si Kenn Onil Bernabe mula sa Pacac ang magiging lokasyon ng proyekto. Inilahad din niya ang kanilang plano sa Community Garden at kasama rin sa proyekto ang iba’t ibang Kabataan Representative mula sa iba’t ibang barangay.

Ito ay isa sa mga nais ng ating Mayor Jose Boyong Boyong Dizon na mga programang umaakay sa mamamayan na magkaroon ng mga alternatibong pagkukunan ng pagkain. Hinihikayat ang lahat na magkaroon ng mga community garden na mapapakinabangan ng pamayanan bilang mapagkukunan ng gulay na maaaring maging masustansyang ulam.

Tulungan, kooperasyon at malasakitan ang magbubuklod buklod sa lahat upang maging matagumpay ang bawat proyektong laan para sa mamamayan.