Nito lamang byernes ay pormal ng sinimulan ang pamamahagi ng pataba para sa mga magsasakang enrolled sa RSBSA.
Mabibigyan ng 3,000 pesos halaga ng voucher sa bawat ektarya ng sinasaka ang bawat magsasakang nasa listahan na ibinaba ng region. Nasa pitong libo ang ibinabang listahan at patuloy di umanong isinasaayos ng DA Region 3 ang pag e encode ng mga farmers upang maihabol na mabigyan ng pataba at binhi matapos na nag pahayag ang ating Mayor na dapat lahat ng enrolled sa RSBSA ay mabigyan upang kahit paano ay mabawasan ang kanilang gastusin sa produksyon ng palay.
Nais ng ating ama ng bayan Jose Boyong Boyong Dizon na madaliin ang pamamahagi upang mapakinabangan ng mga magsasaka.
Makipagugnayan sa inyong agri chairman para sa listahan at release schedule ng inyong pataba. Kung may katanungan, mangyaring magsadya sa tanggapan ng MAO Josie Abesamis upang kayo ay maagapayan.

pamamahagi ng pataba para sa mga magsasaka photo