Kalusugan at kaunlaran Ng Pilipinong may kapansanan, tema at layunin ng pagdiriwang sa buwan ng Philippine Association of Persons with Disabilities (PWD).

Pinangunahan ng Ama Ng Bayan Jose Boyong Boyong Dizon kasama ng mga konsehal ng Sangguniang Bayan, MSWD head Madam Lina Garampil, PDAO head Larilyn Pantaleon at ilang mga kawani ng Pamahalaang Bayan ang Pamahalaang Bayan pamamahagi ng mga food packs sa mga PWD program beneficiaries.

Tiniyak ng ama ng Bayan sa kanyang maikli ngunit makabuluhang talumpati na bibigyan niya ng ibayong pansin ang pagsusulong sa karapatan ng mga PWDs at maaasahan nila ang tulong ng Pamahalaang Bayan sa mga oras Ng pangangailangan at kagipitan Lalo na ngayong panahon Ng pandemya.

Sa bayan ng Guimba ay nababanaag ang pagsilay ng pagasa sa mga kapuspalad, sapagkat ang pamahalaang bayan ay may tunay na malasakit para sa kanila.

#sa bayan ng Guimba, PWD ay kinakalinga#maaliwalas na kinabukasan para sa mga kababayang may kapansanan