Bilang bahagi ng pagtulong ng pamahalaang lokal sa ating mga magsasaka na apektado ng pagbaba sa presyo ng palay, sinisikap ng ating opisinang pang agrikultura na agad na maalalayan ang ating mga kamagsasaka sa pamamagitan ng pamamahagi ng binhi para sa panibagong panahon ng pagtatanim.

Dire diretso din ang pakikipag ugnayan sa Nasyunal na ahensya ng agrikultura ang ating MAO nang sa gayon ay agad na madeliver ang mga libreng binhi upang magamit sa panahon ng pagtatanim.

Nais ng ating Mayor Jose Boyong Boyong Dizon na mailapit ang munisipyo sa sektor ng pagsasaka at kanyang ipinagutos na maghanap ng mga kabuhayan at iba pang paraan upang matulungan ang ating mga kababayang magsasaka. Para po sa inyong mga katanungan at usapin patungkol sa pagsasaka mangyari po na sadyain ninyo ang tanggapan ng MAO upang maaksyunan at matugunan ang inyong mga concern.

#NagsusulongNgBinhiNgPagasa
#AlalaySaPagsasaka
#GuimbaKongMahal