Bahagi ng dire diretsong pagpapalakas ng kakayahan ng pamahalaang lokal na umangkop sa mga sakuna at maging resilient, nagpamahagi ng medical kits ang munisipyo sa bawat barangay.
Sa pamumuno ng ating Mayor Jose Boyong Boyong Dizon at sa pangangasiwa ng MDRRMO, makakaasa ang ating mga kababayan na ang pamahalaan ay palagiang naghahanda upang maging matatag sa anumang sakuna na darating sa ating bayan.Layon ng LGU Guimba na palakasin ang ating moog laban sa mga kalamidad sa pamamagitan ng pagtatatag ng higit na aktibong barangay response network/system at ihanda ito para sa anumang susuunging kalagayan.