Simula nuon hanggang sa panahon ng pandemya ay patuloy na naghahanap ng solusyon at ayuda ang ating Mayor Jose Boyong Boyong Dizon upang maihatid sa ating mga kababayan.
Katuwang nya ang mga namumuno sa mga opisinang nangangasiwa sa bawat programa ng pamahalaang lokal katulad ng Person with Disability Affairs Office (PDAO) sa pangunguna ni Maam Lina Garampil ng MSWDO at pinapangalawahan ni Larilyn Leobrera.
Nitong umaga ay nagpamahagi sila ng mga kagamitan para sa syamnapung (90) magaaral ng SPED bilang paghahanda sakali man na ipatupad ng pamahalaang nasyunal ang face to face learning. Tinitignan na ng pamahalaang lokal ang mga posibilidad at umaangkop ito sa bawat hamon upang tugunan ang pangangailangan ng ating mga kababayan sa abot ng ating makakaya. alinsunod din ito sa ginagawang paghahanda ng DepEd para sa edukasyon at DOH para sa kalusugan at proteksyon ng mamamayan.
Bahagi din ito ng selebrasyon ng National Children’s Month kung saan ang karapatan ng bawat bata ay aming tinututukan at ang edukasyon ay isang karapatan na kinakailangang pantay pantay na naisusulong para sa lahat.
Malasakit sa bayan at sa mamamayan dahil sa Guimba walang maiiwanan sapagkat sabay sabay tayong tatawid patungo sa bagong normal na panahon.