Kahapon ay nagpamahagi ang ating Ama ng Bayan Jose Boyong Boyong Dizon ng financial, medical at burial assistance para sa lahat na lumapit sa ating munisipyo na hindi pa naibigay ang kanilang mga hiling.

Daang katao ang inabisuhan upang kunin ang tulong ng ating Mayor bilang tugon sa kanilang mga request. Ayaw ng ating Mayor na magpa picture habang iniaabot nya at mga tauhan ng Mayor’s Office ang pinansyal na tulong sa ating mga kababayang nangangailangan sapagkat ang hangad lamang nya ay makatulong sa ating mamamayang kumakatok sa pintuan ng ating bahay pamahalaan.

Ating inilathala para sa adbokasiyang “transparency” upang nalalaman ng lahat ang kaganapan dito sa ating bayan.

#SerbisyongDizon#GawaHindiSalita