Kahapon ay nagpulong na ang 64 barangay agri Chairman at barangay Chairperson para pagusapan ang isasagawang pamamahagi ng binhi (inbred) habang kasalukuyang nagdedeliver ang DA region 3 sa ating bayan.
Layunin ng pagpupulong na ito na madistribute na ang mga naunang naideliver na binhi upang umabot sa pagpupunla. Isasaayos ng mga agri chairman ang dokumentasyon sa tulong ng mga kawani ng MAO upang mapabilis ang isasagawang pamamahagi.
Aming ipinapaalam sa lahat na ang Binhi mula sa FFRS program ng DA National ay kapos at ang ating MAO ay dumulog na sa DA Region 3 upang madagdagan ang alokasyong binhi.

Pamamahagi ng Binhi photo