Matapos maisagawa ang intensive disinfection kung saan halos araw araw na ini sprayan ng solution at flushing ng tubig ang bawat sulok ng palengke ay ibubukas na bukas ito sa mamamayan.

May mga pagbabagong iiral sa pamilihang bayan sapagkat napakadami na ng sumbong ng taumbayan ang sa amin ay nakakarating katulad ng mga walang face mask at nagkakadikit dikit kapag walang nagbabantay kung kayat minarapat ng IATF Guimba na higpitan ang kaayusan sa palengke at muling ipatupad ang single entry single exit measure upang masiguro na hindi magiging crowded ang palengke. Nilagyan ng mga temporary na barikada ang paligid ng palengke upang mapigilan ang pag dagsa ng mga tao sa pamilihang bayan.

Kasama sa rekomendasyon ang paglalagay ng disinfection tent upang makasiguro na ligtas ang lahat. Ang pasukan at labasan ay matatagpuan sa harap ng palengke at mayroon ding pasukan at labasan ang wet market.

Narito ang mga alituntunin na dapat sundin:

1. Ang mga tricycle na papasok sa loob ng palengke ay papayagan lamang kung sila magbababa o magsasakay ng pasahero.
2. Ang mga toda na nakapalibot sa palengke ang syang tanging papayagan na manatili sa kanilang pilahan at ang iba pang sasakyan ay pick up at drop off lamang.
3. Ang mga sakay ng tricycle toda man o pribado ay kinakailangan bumaba at dumaan sa pasukan upang makapag disinfect muna (dadaan sa disinfection tent) bago pumasok sa pamilihan
4. Ang mga mahuhuling lumalabag sa minimum health stardard ay papatawan ng karampatang parusa.
5. Maaaring gamitin ang mga kalsadang naitakda bilang parking area para sa pagsasakay ng namimili subalit hindi ito dapat na magtagal. Maari ding gamiting parking area ang mga kalsadang nasa loob (inner road) basta’t sila ay nakaayos at hindi nakakasagabal sa kalsada.
6. Ang mga tindera ay inaabisuhan na dapat nilang panatilihing malinis ang kanilang kapaligiran.
7. Sa mga oras na may anunsyong magdidisinfect ay kinakailangang sumunod ang lahat para na din sa kanilang kapakanan.
8. May mga nakatalagang bantay na syang magsisiguro ng kaayusan at pagsunod sa minimum health standard.
9. Ang ating lokal na pulis ay regular na iikot sa loob at labas ng palengke upang mahigpit na maipatupad ang mga batas at mga alituntunin.

Hamon ng pamahalaan sa mamamayan na simulan na ang pagkukusang pairalin ang disiplina upang mailayo tayo sa tyak na kapahamakang sanhi ng Covid.

Narito ang inyong pamahalaan na nagtataguyod ng ating kasiguraduhan at ang lahat ng mga hakbang na ito ay para sa kapakanan ng taumbayan at hindi ng iilan lamang.

#GuimbaKongMahal