Ang kautusan ng ating Pangulo Rodrigo Duterte na sinupin ang mga kalsada at alisin ang mga nakahambalang sa daan at pampublikong lansangan ay muling nanunumbalik sa pamamagitan ng Memo Curcular ng DILG.

Bago ang isasagawang clearing operation simula Myerkoles December 9 ay nagsasagawa na ng public information dissemination campaign ang munisipyo sapagkat ayaw ng ating Mayor Jose Boyong Boyong Dizon na mapinsala ang hanapbuhay ng ating mga kababayang nagtitinda sa palengke. Atin silang pinakikiusapan na magkusa ng isaayos ang kanilang mga pwesto upang hindi na maapektuhan ng isasagawang clearing operation na utos ng DILG.

Naniniwala ang ating Mayor na madadaan sa mahinahon at maayos na pakikipagusap ang lahat kung kayat kanyang pinagutusan ang Information Officer kasama ang ating mga kaibigang Pulis at Task Force Palengke na umikot at kausapin ang ating mga vendors at store owners.

Hiling ng ating pamahalaang lokal ang pakikiisa ng lahat upang lalo pang maging masinop ang ating pamayanan. Magtulungan po tayong paunlarin ng husto ang ating bayan.

#PakikipagusapSusiSaPagsasamangMaluwat
#GuimbaKongMahal