Ang Guimba Police ay nagpapatrulya sa bawat barangay upang ipatupad ang minimum public health protocol, kautusang bayan at pagpapairal ng peace and order sa pamayanan
Sa kanilang report na isinumite sa Guimba IATF, isinaad ng kanilang hepe na si PLTCOL Norman Cacho na regular nilang isinasagawa ang pagpunta sa bawat barangay at rumeresponde sa mga itinatawag na nanggugulo at nag iinuman sa kalsada.
Sila ay nagiikot sa buong kabayanan partikular sa palengke.
Sila ay nagse set up ng curfew hour check point sa ibat ibang lugar.
Nagsasagawa ng public transport checking.
Katuwang sila sa layunin na mapangalagaan ang kapakanan ng mamamayan ng ating bayan at mailigtas ang ating mga kababayan sa sakit o kalabang hindi nakikita.