1. Huwag munang makihalubilo. Hindi nyo alam kung hindi nag toothbrush o baka naman may covid ang bibig ng kausap nyo. Who knows. Hindi lang tsismis ang naipapasa ngayon pati sakit at virus na covid.
  2. Huwag munang makipaginuman. Sa inuman kase nakababa mga face mask nyo at gustong gusto ng dyaskeng covid ang walang takip na bunganga at ilong. Lalo na yun isang basong tagayan parang naka lips to lips mo si covid.
  3. Huwag munang gala ng gala kung wala ka namang mapapala. Baka yan porma mo kakagala barong o dress na kasunod nyan. Pwede namang iwasan.
  4. Huwag mong gawing baba mask ang face mask at hairband ang face shield. Proteksyon mo yan at hindi display. Kapag nahagip ka ng covid dun sa ataul wala ka ng suot na face mask.
  5. Hugas o alcohol agad ng kamay kapag humawak sa bagay na nasa labas ng bahay. Mahirap na baka laway na may covid ang nahawakan mo kabayan.
  6. Sabi nga kapag dumistansya iwas disgrasya. Kaya layo layo muna hane.
  7. Huwag maliitin si Covid. Kahit hindi mo nakikita kaya ka nyang pahirapan at patayin.
  8. Kapag lalabas ng bahay huwag mong kakalimutang baunin ang iyong proteksyon dahil kapag ligtas kang umuwi sa bahay malamang ligtas din ang iyong mga kasama at pamilyang naghihintay.
    Hindi na normal ang buhay
    Yun dating isa hanggang tatlo sa isang lingo na namamatay ay isa hanggang anim na sa isang araw ngayon.
    Yun dating pwede ka pang makipag bondingan sa mga kaibigan. Hindi na pwede ngayon dahil hindi mo naman alam kung sino ang carrier ng nakamamatay na sakit.
    Kaya bago ka lumabas ng bahay pakaisipin mo sana ang kaligtasan ng iyong mga mahal sa buhay.