Patuloy na monitoring ang isinasagawa ng ating Mayor Jose Boyong Boyong Dizon sa bagyo at sa pwersa ng MDRRMO na syang umiikot upang i check ang level ng tubig at live update ng DOST-PAGASA. Tinitiyak nya na walang makakaligtaan sa paghahanda.
Ang mga gamit ay sinigurado ng nakahanda para sa mga posibleng clearing operations at rescue missions.
Nakaantabay din ang lahat ng sasakyan na gagamitin sa response operations at ang ating mga personnel ay nahati hati na sa bawat gawain. Sinisiguro din ng ating Mayor na may sapat na pagkain at pahinga ang ating mga kawani para sa mas epektibong disaster response sapagkat buhay ng ating mga kababayan ang nakasalalay.
Asahan nyo po na kasama nyo ang ating pamahalaang lokal at Mayor Boyong Boyong sa lahat ng pagkakataon.