ANONG GANAP?
Nagkaroon tayo ng pagkakataon na makapag daos ng pagpupulong sa mga nagnanais magtatag ng samahan ng magsasaka. Naganap noong nakaraang linggo, November 22-23 2022 sa 4 Barangay (San Rafael, Sta. Cruz, Pacac at Bacayao) ang ating pameeting. Sa pangunguna ng ating acting Municipal Agriculturist Mam Nida L. Lanuza at ayon na rin sa kahilingan ng ating Mahal na Mayor Jose “Boyong Boyong” Dizon upang makapag bigay tayo ng tulong upang maging organisado,nagkakaisa at nagtutulungan ang bawat magkaka-barangay.
Bumaba sa barangay ang ating mga Agricultural Technologist (AT) na pinamunuan ng ating Cooperative Officer, Mam Precious Palomo kasama sina Mam Alyssa Dizon, Mam Belinda Refuerzo, Sir Lindy Cadiente at Sir Jefte Rosendo.
Dito ay kanilang ipinaliwanag:
✔️Ang pagbuo ng Asosasyon sa DOLE
✔️Ang mga papel na dapat ipasa,mga isaalang alang at iba pang maaring makatulong sa pagbuo ng Samahan.
✔️ D.A. Accreditation upang magkaroon ng ideya ang samahan sa kung paano ang susunod na hakbang na gagawin.
✔️Pag-elect ng mga opisyales sa samahan
Para po sa iba pang barangay na nais magpatulong sa pagbuo ng Samahan mangyaring makipag ugnayan sa inyong mga nakakasakop na AT, Brgy Agri Chairman, Brgy Captain o magtungo sa aming opisina.

Maoinaction dahil #TatakDizon at #SerbisyongDizon yan!