Ang ating Mayor Jose Boyong Boyong Dizon ay tahimik na umiikot at binibisita ang mga dulong barangay lalo na yun mga flood prone o high risk na lugar. Inaalam nya ang pinsalang dulot ng bagyong Karding at tinitignan kung saan dapat mag improve ang serbisyo ng munisipyo upang higit pang matulungan ang mamamayan ng ating bayan.
Kanyang tinawagan ang Municipal Agriculturist upang pamunuan ang pagiikot at alamin ang pinsalang dulot ng bagyo sa pananim na palay ng mga magsasaka.
Sa ganitong pamumuno ng ating Ama ng Bayan nalalaman natin na ang serbisyo publikong inilalaan ng pamahalaang lokal ay angkop at lapat sa kalagayan ng ating mga kababayan lalo na yun sitwasyon ng ating mamamayang magsasaka sapagkat ang ating Mayor mismo ang nagiikot upang sya ang makasaksi sa kalagayan ng kanyang nasasakupan.