Ngayong araw, ika 15 ng Pebrero, 2021 ay nagsadya sa tanggapan ng Punong Bayan si Engr. Leonardo F. Ramos, outgoing manager at si Engr. Rogelio C. Macatula, incoming manager ng NIA-UPRIIS Division V upang magbigay pugay sa ama ng Bayan at upang ipabatid sa kanya ang mga kasalukuyang programa ng Samahang Patubigan sa ating Bayan.

Ang magandang pakikitungo at koordinasyon ng mga ahensya ng gobyerno at pribadong sektor ay napakahalaga para mapalawig at mapayabong ang ating ekonomiya partikular sa larangan ng agrikultura bilang pangunahing kabuhayan sa ating Bayan.

Dito na rin isinagawa ang pormal na pagpasa ng responsibilidad mula sa dating pamunuan ng NIA UPRIIS Engr. Leonardo Ramos div 5 tungo sa kanyang kahalili na si Engr. Rogelio Macatula.

Nagpasalamat ang dalawa sa patuloy na suporta ng Pamahalaang Bayan para sa ikapagtatagumpay ng mga programa ng NIA UPRIIS division V.

#koordinasyon at balikatan ng mga Lingkod Bayan tungo sa ganap na kaunlaran
#GuimbaKongMahal