28 Isko ni Gov Oyie sa ating bayan naibigay na ang kanilang scholarship allowance kahapon ng umaga.
Sinamahan ni Carlo Dizon, bilang representasyon ng ating Mayor, ang mga kawani ng Provincial treasurers office upang ipamahagi ang tulong para sa edukasyon ng ilang mag aaral ng ating bayan.
Excited ang mga kabataang estudyante sa kolehiyo at karamihan sa kanila ay gagamitin daw nila pang load para sa kanilang online class.
Sambit ng mga estudyante na malaking tulong ito dahil mababawasan ang pinagkakagastusan ng kanilang mga magulang at maidadagdag pa ito sa budget na mailalaan sa pagkain.
Sa kanilang mga ngiti makikita mo ang larawan ng pagasa at masasalamin mo ang kanilang mithiing makapagtapos ng pagaaral ayon kay sir Carlo Dizon.
Abot ang kanilang papasalamat kay Gov. Aurelio Oyie Umali at kay Mayor Jose Boyong Boyong Dizon sa kanilang suporta at tulong para sa mga mag aaral na nagnanais na makapagtapos ng kolehiyo.