Pinagkalooban ng ating Mayor Jose Boyong Boyong Dizon, katuwang ang Sanguniang Bayan, ng material recovery facility (MRF) ang lahat ng barangay (64) bilang paghahanda sa nalalapit na pagbubukas ng ating waste to resources (energy) facility.

Ito ay isa sa mga proyektong inilulunsad para sa serbisyong tumutugon sa pangangailangan ng ating bayan at mamamayan.

Ang lahat ay hinihikayat na isagawa at ugaliin ang paghihiwalay ng mga basura bago kuhanin ng barangay o munisipyo kung saan ang mga nabubulok ay didiretso sa organic processing at ang mga hindi nabubulok ay irerecycle at gagawing diesel gamit ang makinaryang malapit ng matapos.

Pagsisinop ng ating kapaligiran, paghahanda para sa kinabukasan ng mga susunod na henerasyon, proteksyon para sa ating inang kalikasan, tulong sa pamahalaang nasyunal para sa preserbasyon ng “Manila Bay” at para sa ibayong kaunlaran ng ating bayan.

#GuimbaKongMahal