Para sa kaalaman ng lahat:
Paano ba ang prosesong pag swab ng mga suspected covid patient?

Ang mga pinoproseso ng mga contact tracers at na assess ng bawat RHU ay ipinadadala sa ating dalawang medtech para sa scheduling ng Swab Antigen o Swab RT PCR. May guidelines na sinusunod at hindi ito hula lamang o kung kailan nila trip mag swab ng pasyente at kung sino ang dapat i swab.

Kinakailangan na inaaral nila yun viral load days para madetermina ang tamang araw kung kailan dapat i swab ang isang maaaring close contact o suspetsang close contact. Dumedepende ang kanilang aaralin sa mga impormasyong ibinibigay ng bawat na trace. Kapag nagtago o nalimutan ang tamang impormasyon katulad ng petsa siguradong apektado kung kailan ka masu swab. Kapag tamang impormasyon at eksakto ang ibinigay ay eksakto din nilang matatantya yun viral load para sa epektibo at reliable na resulta.

Ikonsidera din natin ang dami ng kinakailangang ma swab. Sa pag aaral ay aabutin ng mahigit dalawampu ang maaaring close contact ng isang pasyente sa loob ng 14 days history ng kanyang activities. Minimum lamang yan at posible pang madagdagan depende sa katayuan sa buhay ng isang pasyente. Katulad ng collector o vendor na maraming nakakasalamuha. In short kailangan pagkasyahin ng swab collector o medtech ang panahon upang mabilis na maisagawa ang swabbing. Kung nagmamadali po ang pamilya ng isang covid suspect o positive ganun din po kami dahil hinahabol namin ang oras upang mapigilan ang pagkalat ng sakit.

Wala po tayong dapat na ipangamba hanggat tayo ay sumusunod sa patakaran o guidelines katulad ng quarantine protocol. Kami naman ay sumusunod din sa mga guidelines at hangad namin na mabilis na maaksyunan ang bawat kaso upang mabilis na mapigilan ang pagkalat ng sakit.

Isa isang pinupuntahan ang mga pasyente sa kanilang mga bahay dahil ayaw ng ating Mayor na mahirapan pa ang ating mga kababayan. Libre po ang serbisyong ito sapagkat pinahahalagahan ng ating Ama ng Bayan Boyong Boyong Dizon ang bawat buhay at ayaw nyang makadagdag pa sa inyong paghihirap ang bayarin sa ganitong rekisitos ng pandemya.

Sa safety at technical na bahagi naman:
Lubhang mataas ang peligrong kinakaharap ng mga nagsu swab dahil hindi naman nila alam kung positibo o hindi ang kanilang kaharap at pino proseso. Kailangan nilang sundin ang denumerong teknikal na proseso upang makaligtas sa tiyak na kontaminasyon.

Nais naming iparating ito sa inyong kaalaman upang inyong lubos na maunawaan na mayroon kang pamahalaan na ginagawa ang lahat ng makakaya o higit pa upang mapagsilbihan kayo ng tama.

no images were found