Mga sementeryo sa ating bayan handa ng tumanggap ng mga bibisita simula ngayon hanggang October 28, 2020 at isasara naman sa October 29 hanggang November 4 sa bisa ng kautusan mula sa IATF sa pamamagitan ng isang resolusyon.

Bantay sarado na ang ating mga pampubliko at pribadong mga sementeryo.

Hangad ng pamahalaang lokal na kayo ay makadalaw sa inyong mga yumaong mahal sa buhay at maging ligtas sa Covid 19 kung kayat minarapat na ipatupad ang controlled visitation.

Hindi po papapasukin ang walang mga face mask at ipinagbabawal ang maiingay na patugtog, alak, baraha at baril sa loob ng mga sementeryo sa ating bayan. Bawal din po ang pagkukumpulan dahil mahigpit na ipinapatupad ang social distancing.

#Undas2020Guimba
#GuimbaKongMahal