OPLAN iwas paputok at OPLAN ligtas na pamayanan ng Guimba BFP sa pamumuno ni Fire Marshall Roberto Lopez. Sila ay nagbabantay sa lugar na pamilihan ng paputok, nag i inspeksyon sa palengke upang siguruhing walang nagbebenta ng anumang uri ng paputok sapagkat sa Bacayao lamang ang nakatalagang lugar na pagtatayuan ng mga naglalako ng paputok, nagiikot sa bawat barangay para ikampanya ang ligtas na pamayanan at suriin kung sumusunod ba ang mga nagbebenta ng paputok sa mga regulasyon.

Suportang ibinibigay ng BFP sa ating Mayor Jose Boyong Boyong Dizon sa kanyang adbokasiya na maging ligtas ang ating mamamayan at mga pamayanan sa anumang panganib katulad ng sunog at aksidenteng dulot ng paputok.

Hinihikayat ng lokal na pamahalaan ang ating mga kababayan na maging mapayapa ang pagdiriwang at pagsalubong ng pagpapalit ng taon.

Para sa bayan
#GuimbaKongMahal