Sapagkat dumarami ang nagkakasakit kung kayat naisipan ng ating ama ng bayan Mayor Jose Boyong Boyong Dizon na ilunsad ang ONE HEALTH GUIMBA.
Ito ay isang medikal na online platform na naglalayong ilapit ang medical check up sa ating mga kababayan.
Sa One Health Guimba hindi ka na mapapagod at gagasta pa para magtungo sa bayan upang komunsulta. Ang mga simpleng karamdaman ay agad na maikokonsulta at sasagutin naman ng mga nurses at doctor ng munisipyo. Maaari din kayong mabigyan ng referral para sa kinakailangang laboratoryo depende sa karamdamang ikinokonsulta.
Ihahanapan ng One Health Guimba ng gamot ang isang kumokonsulta at kung walang available sa mga RHU ay bibigyan ng Online Reseta para makabili ng gamot.
Simple lamang ang sistema ng online konsulta gamit ang facebook: magse send lamang ng message sa One Health Guimba at hintayin mag chat ang doctor o nurse na sasagot sa inyong mga tanong.
Sa ganitong paraan maiiwasan ninyong lumabas pa ng bahay at maiiwasan din natin ang tsansa na mahawa ng sakit na hindi nakikita.
Serbisyong DIZON na naglalayong ilapit sa mamamayan ang serbisyo ng pamahalaan. Programang naglalayon na maprotektahan ang ating mga kababayan lalo na ngayong nakasarado ang ating mga health center (RHU 1,2 at 3)