Panibagong Iskedyul ng PhilSys Step 2 registration

Ang simula ng Philippine Identification System (PhilSys) Step 2 Registration ay pansamantalang ipinagliban. LAHAT ng step 1 registrants na mayroong iskedyul na NOVEMBER 25-DECEMBER 13, 2020 sa kanilang appointment slips ay bibigyan ng panibagong iskedyul.

Ang Philippine Statistics Authority (PSA) ay magbibigay anunsyo at makikipag ugnayan sa bawat step 1 registrant para sa bagong petsa ng appointment ng step 2 registration. Makakatiyak ang publiko na ginagawa ng PSA ang lahat upang makapaghatid ng maayos at ligtas na PhilSys para sa mga Pilipino.
Maraming Salamat po.

Ito ang anunsyo ng PSA na nais nilang ipabatid sa lahat