Ang proyektong ito ay isang simpleng paraan upang malaman kung anong mga varieties ang mahusay para sa mga bukid dito sa ating bayan at mas gusto ng mga magsasaka.
Sa kasalukyan ay mayroon tayong 9 varieties na itinanim at kukuhanan ng datos (NSIC Rc 580, NSIC Rc 622, NSIC Rc 624, NSIC Rc 626, NSIC Rc 632, NSIC Rc 634, NSIC Rc 636 at NSIC Rc 222).
Layunin din ng PPTV Trial na ang mga datos na makakalap sa demo farm ay magsisilbing reference data sa Regional Adaptive Varieties para sa tamang pagpoposisyon ng variety, produksyon ng binhi, at pamamahagi sa iba’t ibang probinsya sa ilalim ng DA- RCEF.
Paghahanap ng mga paraan upang matulungan at mapakinabangan ng ating mga kababayang magsasaka. Hangad ng ating Mayor Jose “Boyong Boyong” Dizon at ng Municipal Agriculture Office na maghatid ng bagong Variety ng binhi na siyang mapag pipilian ng magsasaka na mas mataas umani, matatag sa peste at sakit upang mas mapataas ang ani ng mga magsasaka sa bayan ng Guimba.

maoinaction #TatakDizon #SerbisyongDizon