Bilang tanda ng respeto at pagkilala sa kapangyarihan ng Punong Bayan na siyang pangkalahatang tagapangasiwa ng lahat ng ahensya ng gobyerno na nakahimpil sa lokal na pasilidad dito sa Bayan ng Guimba, ang bagong talagang tagapangasiwa ng NIA-UPRIIS Division 5 na si Engr.Leonardo F. Ramos, atin ding kababayan mula sa Barangay San Rafael, ay nakipagkita at nagbigay respeto Kay Mayor Jose “Boyong Boyong” Dizon at sa maikling panayam ay nailatag ang mga plano at panukala tungkol sa pagpapalawig at pagpapaganda ng serbisyo ng nasabing ahensya.

Hangad po ng buong pamayanan ng Guimba ang tagumpay ng inyong mga magagandang adhikain.

Salamat Mayor Jose “Boyong Boyong” Dizon sa taos pusong suporta sa mga programa na magpapalawig sa paghahatid ng serbisyo publiko para sa mga mamamayan ng Guimba.

#SulongGuimbaKongMahal 💚