Selebrasyon ng National Womens Month isinagawa sa LGU Guimba tinaguriang purple monday.

Sa buong workforce ng pamahalaang lokal na umaabot sa isang libo, kalahati dito ay mga babae. Women empowerment eka nga kung saan binibigyan ng ating Mayor ng laya at puwang ang kababaihan na maging bahagi ng pamahalaan.

Sila din ay may napakalaking role sa pamamahala katulad ni Lina Corazon Garampil bilang Social Work and Development Officer, Honey Grace Sarte bilang PESO Manager, Herminia David bilang BPLO head, Rhea Leyva bilang Tourism Officer, Ma Gene Tadeo bilang Health Officer, Eudosia Abesamis bilang Agriculturist Clarisse Jose bilang Youth dev Officer at Cathy Galapon bilang Nutritionist

Balansyadong pamahalaang lokal sa pamumuno ng ating Mayor. Institusyong nagtataguyod ng kagalingan ng kababaihan sa pagsusulong ng kaunlaran sa ating bayan at kinikilala ang kanilang mga karapatan na magkaroon ng patas na oportunidad sa programa at trabaho.

Sa selebrasyong ito, nais ng buong bahay pamahalaan na gamitin ang okasyon upang kilalanin at pasalamatan ang yumaong Ina ng Bayan Linda Dizon sa kanyang dedikasyon at katatagan na maisulong ang karapatan at kagalingan ng kababaihan. Pinasimulan nya ang pagbibigkis sa kababaihan at pagbibigay ng oportunidad para sa kanila upang maiangat ang kanilang antas ng pamumuhay.

Sulong Kababaihan ng Guimba
Sulong bayang minamahal
#WomensMonth
#GuimbaKongMahal