Nakiisa ang LGU Guimba, PNP MPS NEPPO at Guimba District Jail sa paggunita at pagdiriwang ng araw ng mga bayani.
Sa pangunguna ng ating Mayor Jose Boyong Boyong Dizon at Vice Mayor Jesulito Dok Lito Galapon kasama ang hanay ng ating lokal na kapulisan at BJMP, ginunita ang araw ng mga bayani sa isang simpleng programa at pagtataas ng bandila bilang simbulo ng pagsaludo sa lahat ng mga bayani.
Tangan tangan ang panata ng pagsisilbi at pagmamalasakit sa mamamayan, naway lahat tayo’y maging bayani ng ating panahon.