6500 mushroom fruiting bags ipinamahagi ng kapitolyo katuwang ang munisipyo ng ating bayan.
Ang maliit na kabuhayang ito ay pakikinabangan ng 62 na PWDs ng ating bayan at nakapaloob sa Jobs and Livelihood generation program ng ating Mayor Jose Boyong Boyong Dizon na sinusuportahan ng ating ama ng lalawigan Gov. Aurelio Oyie Umali.
Mga programang maaaring pagkakitaan ng mamamayan sa sektor ng PWD
at patuloy na paghahanap ng ating Mayor ng mga maaaring maitulong sa ating mga kababayan.
Lubos na nagpapasalamat ang bayan ng Guimba sa buong suportang ibinibigay ng ating Governor Oyie at Vice Governor Doc Anthony.