Sa pamamagitan ng Microlayering Livelihood Program na handog ng provincial office, nabiyayaan ang walong (8) kabataan mula sa iba’t ibang barangay ng ating bayan.

Ang mga sumusunod ay ang mga benepisyaryo ng Microlayering Livelihood Program:
1. Princess Joemay Magaway- Brgy. Balingog West
2. John Lloyd Millado – Brgy. Caballero
3. Jon jon Gaspar – Brgy. Caingin Tabing Ilog
4. Amado Ramirez – Brgy. Casongsong
5. Christian Gabriel Sevilla – Brgy. Culong
6. Marie Eloisa Prado – Brgy. Maybubon
7. Jessica Mingua – Brgy. Sta. Ana
8. Rey Fernandez – Brgy. Yuson

Ngayong araw ay nagsagawa ng contract signing ang mga benepisyaryo kasama ang Provincial Youth Development Office (PYDO). Layunin ng programang ito na mabigyan ng apat na pu’t walong (48) paitluging manok sa bawat benepisyaryong tinukoy bilang higit na nangangailangan.

Ang bayan ng Guimba, sa pangunguna ng tanggapan ng Punong Bayan, Mayor Jose “Boyong Boyong” Dizon at LYDO ay lubos na nagpapasalamat sa programang pangkabuhayang hatid ng Provincial Capitol kasama si Gov. Aurelio “Oyie” M. Umali at ng PYDO.

Programang nagbibigay ng kabuhayan sa ating mamamayan. Biyayang kinakailangang pagyabungin para sa ikatatagumpay nito.