Pagmamalasakit ng ating pamahalaang bayan sa pamumuno ng ating Mayor Jose Boyong Boyong Dizon ay hindi tumitingin ng hangganan. Diretso at nagpupumilit abutin ang lahat sa abot ng makakaya.
Tulad ng mga livelihood na ibinibigay ng pamahalaang nasyunal na pinagsumikapang isaayos ng ating Mayor katuwang ang mswdo. 130 katao ang nabigyan ng kaunting puhunan mula sa limang libo hanggang sa sampung libo depende sa kanilang mga isinumiteng request at dokumento at ngayon ang kanilang ebalwasyon upang masuri kung ang mga puhunan na ito ay lumalago.
Nalalaman ng ating lokal na pamahalaan ang saloobin ng lahat na “sana all” at hindi naman tumitigil ang ating Mayor at Sanguniang Bayan sa paghahanap upang mabiyayaan ang lahat katulad ng pamamahagi ng bigas para sa lahat ng bubong (Gov Umali) , pagbibigay ng trabaho (DOLE Tupad), training at starter kits (Tesda), educational assistance (LGU Guimba) , gadgets para sa magaaral (LGU Guimba) , ayuda para sa magsasaka (DSWD) at maraming pang iba.
Dahil sa ating bayan mamamayan ang syang una sa puso, isip at sa gawa ng ating mga halal na namumuno. Walang ibang hinangad kundi maibahagi sa mamamayan ng Guimba ang mga programang naglalayong masuportahan at maitaguyod ang ating mga kababayan.