Hitik na hitik tayo ng kaganapan kahapon.

Sa umaga nagdaos ng kanilang asembliya na may kasamang yuletide gathering ang Pangkat ng Kababaihan at ito ay dinaluhan ng ating Ama ng Bayan para samahan at suportahan sila sa kanilang pagdiriwang. Ang kababaihan at taunang pagdiriwang nito ay sinimulan ng ating Mayora Linda Dizon at sa kanyang alaala ay ipinagpapatuloy ng ating ABC President Remedios Agapito kasama na ang mga opisyales ng samahan.

Sa hapon naman ay pasinaya at pormal na pagbubukas ng ating eLibrary at Command Center na pinangunahan ng ating Mayor Jose Boyong Boyong Dizon at dinaluhan ng ating Vice Mayor Jesulito Doc Lito Galapon ang simpleng pagbabasbas.Sa gabi naman ay ang pagdaraos ng “Paskua Ditoy Guimba” sa pangunguna ng ating LYDO kung saan may mga patimpalak at talaga nga namang dinumog ng ating mga kababayan upang ipakita ang kanilang suporta sa mga kalahok at panunuod na talaga nga namang tigib ng masasayang mga sandali.