Bilang paghahanda sa nalalapit na opisyal na pagtatala para sa National ID System nitong darating na buwan ng Oktubre 2020, bumisita at nagbigay ng maikling pag-uulat ang mga kinatawan ng PSA sa ating Punong Bayan Jose “Boyong Boyong” Dizon.

Ayon sa ulat, bibigyan ng prayoridad ang mga kababayan nating maituturing na poorest of the poor, mga kapuspalad na nasa laylayan ng lipunan. Ito ay alinsunod sa inilunsad na programa ng pamahalaan na naglalayong lalong mapabilis ang pagbibigay ng tulong sa mga lubhang nangangailangan. Nakikiisa ang pamahalaang bayan, sa pamumuno Ni Mayor Jose “Boyong Boyong” Dizon, sa pagsusulong ng magandang adhikain na ito.

Kaalinsabay ito ng pagdalo ng Ama ng Bayan sa isang Zoom meeting ng League of Mayors of the Philippines na pinangunahan ni LMP-National President Mayor Chavit Singson, bilang siyang Pangulo ng LMP-Nueva Ecija Chapter at Assistant Treasurer ng LMP-National, kung saan tinalakay ang iba’t-ibang programa na maaaring makatulong sa ating mga kababayan lalo na ngayong panahon ng pandemya, tulad ng Gracia Care Educational TV, Automated Payment Machines at Visa Debit Card (MannyPadala). Tunay na hindi tumitigil ang ating Ama ng Bayan sa pag-iisip at pagsasagawa ng mga programa at proyekto para sa pagsulong ng ating bayan.

#SulongGuimbaKongMahal 👌💚