Dagdag na extrication power tools na kayang pumunit ng kotse at bakal para sa pagsagip sa mga insidenteng pagkaipit ng tao sa loob ng sasakyan.

Dagdag na mga kagamitan para sa pagtugon sa gipit na kalagayan ng ating mamamayan katulad ng search light at iba pang rescue equipments.

Dagdag na misting machine para sa disinfection at dengue control

Napakarami pang kagamitan na unti unting bumubuo sa ating pangarap na “Gawad Kalasag” bilang natatanging parangal at pagkilala sa “resiliency” o kakayahan at kahandaan ng isang bayan na tumugon sa pangangailangan ng mamamayan.

Paghahandang isinasagawa ng ating Mayor Jose Boyong Boyong Dizon hanggang sa tayo ay umabot na sa estado at klasipikasyong syudad. Abangan ang napakarami pang gamit na darating sa ating bayan.

#ParaSaBayanAtMamamayan
#GuimbaKongMahal