Touchdown Guimba
Sambit ng ating mga masisipag na driver ng ambulansya.
Matagumpay na check up para sa mata na isinagawa kamakailan petsang November 13 kung saan 86 ang na check up at November 20 na may 50 na nasuri.
Matagumpay na operasyon para sa naunang 10 pasyente na binigyan ng schedule ng doctor na sumuri at ating inihatid sa Lakewood Cabanatuan, matiyagang hinintay mula 9:30 ng umaga hanggang alas 6:00 ng gabi, at safe na naiuwi.
Simula hanggang matapos at kahit magsimula muli ay hindi bibitaw at magmamaliw. Yan ang programang may pagmamalasakit sa kapwa hatid ng ating Mayor Jose Boyong Boyong Dizon, Vice Mayor Dok Lito Galapon at Team GKM.
Bukas ay muli silang ihahatid para sa pagtatanggal ng takip sa mata diretso check up at muling ibabalik sa Guimba ng ligtas at may ngiti ng pagasa. Dalangin natin ang matagumpay na operasyon para sa malinaw na paningin ng ating mga kababayan.
Sa mga naghihintay po ng schedule, mangyari na makipag ugnayan sa tanggapan ng Doktor na sumuri. Ingat po parati mga kababayan.