Update: para nalalaman ang kaganapan sa buong kabayanan

Sanhi ng lumulobong kaso ng Covid 19 sa Sta Veronica, dalawang araw na magkasunod na nagpupulong ang RHU kung saan nagpupulong ang mga doctor nurses, MESU at iba pang medical personnel, RHU & IATF Guimba kung saan inirereport ang sitwasyon sa ating Mayor at IATF Members, RHU 1, IATF Guimba at Barangay kung saan ibinababa na sa barangay ang mga napagpulungan.

Measure na ipapatupad sa araw na ito ay ang granular quarantine ng labing dalawang lugar
sa Sta Veronica na may quarantine radius na 15 to 20 meters. Ipinagbabawal ang paglabas at pagpasok sa mga lugar na tinukoy at ipinaloob sa granular quarantine. Maaaring makipagugnayan sa mga barangay officials at RHU1 kung may concern sa lugar o mga taong naipaloob sa granular quarantine. Tatagal ang granular quarantine ng limang araw at maaaring ma extend at ma expand depende sa assessment ng magiging susunod na sitwasyon. Umikot na ang mga barangay officials at personnel kasama ang RHU 1 sa mga maaapektuhan ng kwarantina at sinisiguro ng pamahalaang lokal na sila ay mapadadalhan ng food packs. Magtatalaga din ang barangay ng personnel tulad ng bhw sa mga quarantine areas upang may mautusan silang bumili ng kanilang pangangailangan.

Ipapatupad simula lunes ang dating market schedule kung saan may schedule ng pamamalengke ang bawat barangay at ang market pass ay ipagkakaloob ng bawat barangay. Mariing pinipigilan na lumabas at magtungo ng bayan ang mga menor de edad at senior citizen sapagkat napakarami ng senior ang nabiktima ng covid.

Magkakaroon din ng series of antigen testing sa mga nagtitinda sa palengke na gaganapin nitong mga susunod na araw at ipiniprepara na ang mga kakailanganin. Pinaguusapan na ng barangay at munisipyo ang patungkol sa antigen testing ng mga nasa granular quarantine areas.

Aming ipinapaabot sa lahat na simula lunes ay magkakaroon ng mahigpit na pagpapatupad ng utos ng ating Pangulo Duterte, lokal na ordinansa at Executive Order hingil sa pagsusuot ng face mask, face shield at social distancing. Hindi napo kami magsasaway lamang. Huhulihin na ang lahat ng lalabag at magsilbi po sanang abiso at babala ang post na ito. May mga iikot na task force, pulis at force multiplier groups para ipatupad ito.

Magtulungan po tayo para maibalik natin sa ZERO Covid ang ating bayan.