Iwasan po natin ang mga matataong lugar o kung hindi naman kayang iwasan ay siguruhing

  1. Nakasuot ng maayos ang face mask
  2. Dumistansya ng isang metro sa katabi
  3. Parating mag disinfect o mag alcohol ng kamay
    Magkahalo napo sa bayan ang mga byahero at mga kababayan natin. Hindi na natin alam kung ang ating nakakahalubilo ay may sintomas ng Covid kung kayat pinapayuhan po ang lahat na mag ingat. Ayaw po natin na bumalik tayong muli sa pagkakagapos ng Covid at kaya naman po nating umiwas kung ating gugustuhin. Huwag po nating iuwi sa ating pamilya ang sakit na nakamamatay.
    Pumalo na naman sa 1,623 ang bagong kaso at mahigit isang libo dito ay nasa maynila at 101 naman ang nasa Central Luzon kung saan tayo nakabilang na rehiyon.
    Ingat po mga kababayan.