Agad na nagpulong ang IATF Guimba upang pagusapan ang sitwasyon na may kaugnayan sa National ID Registration matapos na maitala na nagpositibo ang isang kawani ng Landbank na kabilang sa nagpoproseso.

Nagpalabas agad ng resolusyon ang kapulungan upang mapigilan na kumalat pa ang sakit. Nais ng ating Mayor na maging ligtas ang ating mga kababayan kung kayat agad na sinuspinde ng IATF Guimba ang operasyon ng Philsys mula June 2 hanggang June 14 at kinakailangang ma assess muna upang matiyak na ligtas ito bago buksan muli sa publiko.

Inuutusan din ang disinfection team na madekontamina ang lugar habang ang mga contact tracing team ay nagsasagawa na ng tracer upang makwarantina na ang lahat ng maaaring naging close contact.

Makakaasa ang mamamayan na hindi mapapayagan ng lokal na pamahalaan na malagay sa peligro ang ating mga kababayan.