Huwag po tayong magkakalat o magtatapon ng basura sa Plaza man o sa kalsada. May mga basurahan po tayong nakapwesto sa paligid ng Plaza. Ituro po natin sa mga bata ang wastong pagtatapon ng ating mga basura o pinagkainan bilang ambag po natin sa ikalilinis ng ating bayan.

Parati pong magsuot ng facemask. Mandatory po ang pagsusuot nito. I observe po natin ang social distancing.

Ipinagbabawal po ang pagsira sa mga dekorasyon at anumang bagay na pagaari ng pamahalaan. Maaari po kayong mapatawan ng karampatang kaparusahan. Bawal po ang pasaway at nangaaway ng kapwa. Nakamonitor po ang ating kapulisan at nakakalat napo ang mga CCTV Cameras.

Tumulong po tayo na mapanatiling malinis at payapa ang ating pook pasyalan. Ipakita po natin ang pagkakaisa ng mga tiga Guimba.

#GuimbaKongMahal