Pansamantalang isasara ang buong lugar ng pamilihang bayan simula bukas hanggang sabado sa kadahilanang patuloy na kumakalat ang sakit na Covid 19 matapos na lumabas ang resulta ng swab test ng ating kababayan na kailan lamang ay nasawi.

Sya ay kawani ng pamilihang bayan at may naitala ng 2 pang kumpirmadong kaso na maaaring nahawa nya o nahawa kung kanino man na hanggang sa ngayon ay inaalam pa ng ating mga contact tracer.

Sa kasalukuyan ay napakarami na ng mga naitalang close contact at patuloy pa din na nagsasagawa ng malalimang imbestigasyon upang matukoy kung saan nagmula ang sakit.

Hinihikayat ang publiko na maging kalmante at hinihiling ang kooperasyon ng lahat upang matulungan ang pamahalaang lokal na mapigilan ang Covid 19 lalo pa at napakalaki na ng posibilidad na ito ay local transmission o pagkakahawa hawa na ng mga tao na nakakahalubilo ng mga carrier ng sakit na kasalukuyang pinaghahanap ng munisipyo.

Minarapat ng IATF Guimba na isakripisyo muna ang kalakalan sa palengke para maisalba ang buhay ng mga taong maaaring mahawa hanggat hindi pa natutukoy lahat ng posibleng carrier ng sakit.

Nakikiusap ang pamahalaang lokal na ang lahat ay magingat at sumunod sa minimum health protocol, huwag munang magtungo sa bayan kung walang mahalagang sadya at magtiis muna sa mga pagkaing available sa tindahan. Pinaguusapan na din kung paano maisasaayos ng mga rolling store at talipapa ang kanilang pagkukuhanan ng paninda sa loob ng tatlong araw simula bukas hanggang sabado.

Mahalaga ang buhay
Kumikilos ang pamahalaan at
May awa ang Dyos

Announcement photo