Lifted napo ang liquor at videoke ban sa buong nasasakupan ng pamahalaang bayan.

Pinaaalalahanan din ang publiko na:
1. Ipinagbabawal po ang pagbebenta ng alak sa mga menor de edad
2. Bawal po uminom sa labas ng inyong tahanan o bakuran
3. Bawal po magbenta ng alak ang mga bars at restaurant
4. Umiiral pa din po ang curfew hour at dapat na nakauwi napo kayo bago sumapit ang oras na itinakda gayundin ang paggamit ng videoke
5. Bawal po magmaneho ang isang nakainom ng alak.

Bagamat open na muli ang pagbili at paginom ng alak kasama na ang videoke, ang lahat ay inaabisuhan na panatilihin pa din ang DISIPLINA. Sapagkat kung may disiplina makakaiwas sa kulong, multa, perwisyo at kahihiyan.

Ingat pa din po tayo mga kababayan dahil nananatili ang banta ng COVID 19.

#DisiplinaMuna
#PagiingatAngTangiNatingPagasa
#GuimbaKongMahal