Linguhang “GKM Bayanihan”
Nagpapasalamat po ang ating Mayor Jose Boyong Boyong Dizon at MENRO sa pamunuan ng barangay:
Macamias, M. Marikit, San Miguel, Guiset, Manacsac, Galvan, St John, B. Barrio, Maturanoc, Culong, San Rafael, Balingog East, San Roque, Bunol, San Andres, Cardinal, Banitan,San Agustin, Cabaruan at Subol sa kanilang pagbabayanihan. Naway samahan kayo ng inyong mga kabarangay sa paglilinis ng inyong pamayanan.
Kapag ang tao ay may pagmamahal sa kalikasan at masinop sa kapaligiran siguradong Dengue No-More sa barangay. Nagiging itlugan ng lamok na dengue carrier ang mga lata, plastic, styro, gulong, bote at iba pa na may malinis na tubig. Hindi po ito nangingitlog sa baha, lambak, ilog, estero at kanal.
“Tapat mo linis mo”
Pairalin natin sa bawat sulok ng Guimba.