Kabilang sa paghahanda ang pagtitiyak na may mga gamit na nakaready at nakastandby kahit malayo pa ang bagyo.

Activated na din ang operation center kung saan 24 hours na babantayan ng mga kawani ng MDRRMO ang bagyo at posibleng pagbaha sa mga flood prone areas.

Maaga pa lamang (alas 5:00 ng umaga) ay naginspection na ang ating Mayor at nagbigay na ng instruction. Pagsisiguro na nakahanda ang pamahalaang lokal gaano man kalakas ang bagyong darating.

Bumisita din ang ating lokal na Chief PNP Guimba MPS NEPPO para sa coordination, security at cooperation.